Faction Information (Filipino Version)

Share
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None Faction Information (Filipino Version)

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:00 pm


Game Affair/Head of Game

Table of Contents
I. Introduction
II. Career
III. Chain of Command
IV. Los Santos Fire & Medical Department
V. Los Santos Police Departmentt
VI. Federal Bureau of Investigation
VII. San Andreas Sheriff Department
VIII. Los Santos Government
IX. Hitman Agency
X San Andres News
XI. Conclusion




Introduction
May nalalaman kaba tungol sa factions?. Itong "Server factions Information" ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't-ibang departamento na sangay ng gobyerno. Ginawa ito upang ipagsama lahat ng kaalaman ng bawat Faction para hindi na kayo mahirapan. Ibubuod ko ito upang mas mabilis niyo maintindihan nang sa gayon magkaroon kayo ng kaalaman tungkol sa kanila. Magiging reference ito para sa mga aplikante at sa publiko na gustong sumali.



Can't choose?
Alam mo ba kung saan ka nababagay o kung alin sa mga faction ang sa tingin mo magaling ka? Kung hindi pa, tiyak kapag nabasa mo ito sa tingin ko makakapili kana kung anong faction ang sasalihan mo. Bago kayo pumili ng faction na pag-aapply niyo, dapat sigurado muna kayo yung sa tingin niyo magiging masaya kayo kapag naging isa na kayo.



Chain of Commands
LSFMD -> LSPD -> FBI -> Government -> (( Game Affair/ Lead/Head Admin ))
    Isa sa mga nakakataas na grupo yung gobyerno na kung saan sila yung gumagawa ng batas ang ipinapatupad ito. Mas mataas ang F.B.I kung ikukumpara sa LSPD dahil mas mahirap ang ginagawa nila pero kalimitan hindi nila pinapakita ang kanilang tunay na "identity" sa publiko.


Last edited by Sensei on Mon Oct 27, 2014 7:18 am; edited 7 times in total
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None Los Santos Fire & Medical Department

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:02 pm

Fire and Medical Department of San Andreas
Pinamumunuan ni: n/a
Tinuturing na departamento na sangay ng gobyerno kung saan sila ang mga tagapagligtas ng buhay ng mga tao sa mga nangangailangan ng gamot o operasyon at nagliligtas sa mga taong nanghihingi ng tulong. Ginugugol nila ang kanilang mga oras upang makapaghatid ng serbisyo sa mamamayan. Sa mga sitwasyong kailangan niyo sila pwede niyo sila tawagan ((/call 911 Paramedic)) at kaagad silang pupumunta pero iwasan ang Prank Callers. Kung tawagin sa kanila ay "Life-Savior"  .Nahahati sila sa tatlong dibisyon.


[T&R] Training and Recruitment - Sa dibisyon na ito, tumatanggap sila ng aplikante na gustong sumali sa kanila. Sa kalagayan na ito, nagdedesisyon sila kung tanggap ba ang aplikante o hindi. Matapos sila makapag-recruit, ang trabaho nila ay ihanda ang Probationary ((Tanggap na aplikante)) sa pagsasanay. Sinasanay nila ang mga ito upang magampanan nila ang trabaho nila ng hindi nangangamba sa gagawin.


[LF] Life Flight - Kung tawagin sa kanilang "Flying Savior", dahil ginagamit nila ang uri ng sasakyang panghimpapawid para makapagligtas ng tao sa matataas na lugar katulad ng Bundok. Mas mabilis ang pagresponde kung sila ang sasagip sa inyo.


[FD] Fire Department - Mga bumabero ng siyudad na nagliligtas ng mga pangyayaring may kinalaman sa apoy katulad ng nasusunog na bahay o gusali at sumabog na kotse. Hindi lang sa apoy ang kanilang misyon o layunin, pati rin sa pagsagib ng tao ang halimbawa nito ay pagsagip sa mga gustong magpakamatay o mga pangyayaring kailangan ng tulong.

Link to their Official Handbook : 


Last edited by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:52 pm; edited 3 times in total
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None Los Santos Police Department

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:04 pm

Los Santos Police Department
Pinamumunuan ni: Chief Charlie Beck
Isa sa mga alagad ng batas na kung saan may kinalaman sa krimen. Ang kanilang motto ay "To serve and to protect" na naglalayun sagipin ang taong nalalagay sa panganib katulad ng terorismo. Binubuwis ang kanilang buhay para lamang sa kapakanan ng siyudad. ((/call 911 Police)) Mabilis na rumisponde sa taong humihingi ng tulong mula sa tawag. Nahahati naman sila sa limang dibisyon.


[S.W.A.T] Special Weapons and Tactical - Mga piling tao na matitinik at matitibay sa dibisyon na binubo ng mga opisyal na propesyonal at sinanay ng maigi para sa mga mapanganib na sitwasyon. Nakasuot ng "Bullet proof Vest" at may hawak na malalaking at mabibigat na armadong baril na kakailanganin sa operasyon. Hindi biro ang ginagawa nila dahil buhay ang nakataya sa gagawin nilang sitwasyon. "Hostage rescue, riot control, drug raids, gang wars, executing anti-terrorism & assisting other officer, ilan lang yan sa mga trabaho nila upang mapangalagaan at magkaroon ng katahimikan sa lugar.


[TE] Traffic Enforcement - Ang pinakatrabaho ng "Traffic Enforcement" ay mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko at kalsada saan man sa lugar. Responsibilidad nilang iwasan magkaroon ng aksidente sa kalsada upang kaligtasan ng motorista at driber ay hindi malagay sa panganib. "Car ticketing, Impound of car, at humuhuli ng mga driber na lumalabag sa traffic rules. Hinuhuli nila ang taong nagnanakaw ng kotse at sa mga hindi maiingat magneho.


[IA] Internal Affair - Ang dibisyon ng Internal Affair, kung saan sila ay nag-iimbestiga sa pamamagitan ng undercover. Pinagmamasdan o nagmamatyag sila sa kapwa nila pulis yung ngalang hindi nila binubunyag ang kanilang sarili. Ang talagang layunin nila ay mawala at maitakwil ang anumang corruption na nangyayari sa departamento. Gumagawa sila ng hakbang upang maresolba ang pangyayaring kinasangkutan ng opisyal ng batas ukol sa anumang uri ng corruption.


[DET] Detective - Sila ang mga taong hindi pinapakita ang totoong identity. Hawig ito ng Internal Affair, pero dito kriminal ang kanilang pakay. Mga piling opisyal mula sa imbestigador para mag-imbestiga ng krimen sa lugar at nagmamatyag din sila para kumuha ng impormasyon sa nakalap na ebidensya. Hindi sila nagsusuot ng police uniform at sariling sasakyan o Sultan/Buffalo ang kalimitang ginagamit nila.


[RED] Recruitment and Employment - Isa sa mga pinakamatrabahong dibisyon ng departamento. Sila ang nagaasikaso ng mga aplikanteng gusto mag-apply. Nagdedesisyon kung "Accepted or Rejected" ang aplikante. Sinusuri nila ng maiigi ang bawat salita na nakasulat sa "resume" katulong ang IA upang malaman ang impormasyon ng aplikante.



Link to their Official Handbook: SOON
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None Federal Buerau of Investigation

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:04 pm


Federal Bureau of Investigation
Pinamumunuan ni : Director Rafael Gomez
Ang FBI ay naglalaman ng pinakamahuhusay na nasanay at bihasa na miyembro ng LEO. Ang pagiging bahagi ng organisasyong ay inaasahang na mas higitan pa ng mataas na kalidad ng propesyonalismo bilang tagapagpatupad ng batas sa siyudad sa lahat ng oras. Misyon nilang siyasatin/imbestiga at parusahan ang mga tao na lumalabag sa siyudad and nilalayo ang mamamayan ng Los Santos sa piligro at panganib. Sa pangtanggap ng alok sa FBI, ikaw ay nangangakong gagawin ang layunin at magpapakita ng sukdulang paggalang sa lahat ng mamamayan ng lungsod (( Good or Bad )). Pagtatrabaho ng naka "undercover" ay isa sa magandang paraan ng FBI para makapag-imbestiga sa pinakadelikadong kriminalidad.  Nahahati sa tatlong (3) dibisyon ang FBI.


[CID] Criminal Investigative Division - Sa dibisyong ito ay hinahawakan nila maigi ang kaso sa Los Santos, SWAT operations, raids, etc. Ang mga "agents" sa dibisyong ito ay inaaresto rin ang kapwa agents ng huli sa akto at "Casefile". Maaari rin nilang simulan ang casefile na nabibilang sa iba pang dibisyon at hayaan ang ibang "agents" na hayaan ang ibang imbestigasyon. Sa totoo lang, itong dibisyon ay tinutulungan ang ibang dibisyon para maresolba ang hinatol na Casefile.


[FAN] Firearm and Narcotics - Sa dibisyong ito hindi na kailangan ng mahabang explanation. Pinangangalagaan nila ang estado mula sa armas at droga sa paligid. Ang mga agent mula sa dibisyon na ito pwede gumawa ng casefile sa drug dealers, makipagkita sa kanila at gumawa ng kasunduan "personally" kung kinakailangan para sa imbestigasyon.


[GD] Gang Division - Gumawagawa ng hakbang upang mahuli ang mga tarantadong gangster sa paligid. Kumukuha sila ng impormasyon sa kanila sa leader ng gang, at kung kinakailangan sasali sila sa gang para kumuha ng ibensiya para sa imbestigasyon.

Link to their Official Handbook: In Process


Last edited by Sensei on Tue Oct 21, 2014 7:47 pm; edited 1 time in total
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None Re: Faction Information (Filipino Version)

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:09 pm


Los Santos Government
Pinamumunuan ni Mayor Angel Bravo
San Andreas Government, ang pinakamataas sa Chain of Commands sa lahat ng faction dahil sila ang namamahala sa iba't-ibang sangay ng departamento. Binubuo ito ng apat (4) na sangay ng gobyerno, nagtutulungan sila upang mapatakbo nila ang Los Santos ng maayos.


Executive Branch - Naglalaman ng ilang pilang tao na bumubuo sa pwesto ng pamahalaan. Kasama sa mga ito ang Mayor & Vice Mayor na ang tungkulin ay patakbuhin ang siyudad at gumawa ng pangunahing batas at pagpapasya at marami pang ibang kagawaran


Judicial Branch- Ang Judicial Branch ay naglalamang ng maraming mga hukom/judges na nahaharapin ang kaso sa korte suprema para maresolba ito. Sa kaso tulad ng civil case ay inihahain ng isang sibilyan o kung hindi man, tungkulin ng hukuman ang pagsasakatuparan ng isang pandinig sa kinahaharap na kaso. Nagdedesisyon at nagpapasya kung dahil trabaho nila yun, dapat ay walang kinikilingan o hindi bias.


Legislative Branch - Tagapaggawa ng batas sa ikaaayos na siyudad. Matapos nila gumawa ay agad ipapasa sa Executive Branch para dun nila pag-usapan at kung sakaling sang-ayon ay agad itong ipatutupad. Inoobsebahan at isinasaayos na namamahala sa mga pagkilos na may eksklusibong awtoridad na baguhin and badyet ng gobyerno na kasangkot sa pagproseso ng kaban. 


[SS] National Security Agency - Ang pangalagaan at protektahan ang staff ng gobyerno ang kanilang pinakatrabaho. Hindi nila pwedeng tulungan ang LEO's sa mga kasong kinasasangkutan ng kriminal, halimbawa ay Bank Robberies and Arresting unless ang LEO's ay humingi sa gobyerno. Binubuo sila ng Intern, na kung saan nagsasanay o hinahanda palang 
sila sa pagiging "protector". Kabilang banda ay bodyguard na ang tungkulin ay ibuwis ang buhay sa ngalan na maprotektahan ang Mayor and ViceMayor (Kabilang ang Chief of Staff). Sa Agent & Special Agent, ang trabaho nila ay maging espiya o "Watch man" ng mayor na kung saan pinipigilan nila ang anumang nakakapanakit sa kataas-taas na opisyal ng gobyerno. Maaring tumulong sa FBI's and LSPD kung kinakailangan.

Link to their unofficial/official Handbook :
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None Hitman Agency

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:20 pm

The Hitman Agency
Ang Hitman Agency ay isang koponan na binubuo ng piling tao na may mataas na kalidad sa pag Roleplay (( Handpicked )) upang maging bihasa sa pagpatay. Ang mga ito ay may kagamitan, tulad ng c4, at delikadong armas (( Knife )). Taktika at sariling diskarte ang kakailanganin pati ang utak. Ang mga player ay maaring maglagay ng kontrata sa Hitman upang patayin ang pinakapapatay mo ((/contract)). Ang hitman ay tatanggapin ang kontrata at babayaran sila sa oras na magawa ang utos o misyon. Hindi sila madaling madiskobre, hanggang sa sinasaksak kana sa leeg. "Considered as elite faction".
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None San Andreas News

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:21 pm

San Andreas News
CEO:
Tungkulin nilang maghatid ng balita tungkol sa kaganapan na nangyayari sa anumang sulok ng Los Santos. Pagbibigay ng malinaw na detalye at impormasyon, walang pinapanigang anumang estado. Maari kayong gumawa ng schedule para sa pakikipanayam niyo. Isa pa sa gawain nila ang gumawa ng journal para sa balitang ilalathala sa diyaryo.



Link to their official Handbook: 


Last edited by Sensei on Tue Oct 21, 2014 8:10 pm; edited 2 times in total
Sensei
Executive Director
Community Owner

avatar
Secondary Rank:
Posts : 133
Points : 338
Male Reputation : 15
Join date : 2014-10-18
Location : In your homeland
Executive Administrator Office of the Executive Director Famed Chief Mapper

None X. Conclusion

Post by Sensei on Tue Oct 21, 2014 6:21 pm

Conclusion
Dapat mong malaman na ang iba't-ibang impormasyon tungkol sa faction na meron tayo. Sa komunidad na ito ay tumatagal at nagmamalaki sa mga organisasyon at propersyonalismo ng faction na nagsusumikap upang makamit ang nais.
Matapos niyo itong basahin, sa tingin ko magkakaroon kana ng karanasan at sumali sa faction na iyung goal. Lagi tayong alisto, makakamit mo ang gusto mo basta't lagi mo itong ilalagay sa iyong isip.
At higit sa lahat, HAVE FUN!

    Current date/time is Sat Nov 25, 2017 2:05 pm